Gamit ang tamang home remedies at over-the-counter na gamot sa makating lalamunan at ubo, kayang-kaya mong labanan ang mga sintomas na nararamdaman. Siguruhin lang na magpatingin agad sa doktor kapag nagpatuloy o lumala ang iyong kondisyon.

Pagdating sa ubo at makating lalamunan, mahalagang alamin ang sanhi ng kondisyon para matukoy ang gamot na dapat mong inumin. Gayunpaman, may mga over-the-counter na gamot at home remedies na maaari mong inumin upang mabilis na maibsan ang mga sintomas na iyong nararamdaman.

 

 

Mga Sintomas at Sanhi ng Ubo at Makating Lalamunan

Bago natin pag-usapan ang mga home remedies at gamot sa makating lalamunan at ubo, tignan muna natin ang mga sanhi at sintomas ng mga ito:

Ang mga sintomas na dapat nating bantayan ay1:

  • Tuluy-tuloy na dry cough o ubong may plema
  • Tuluy-tuloy na pangangati ng lalamunan na nagiging sanhi ng pag-ubo
  • Wheezing o pagpito kapag humihinga

Ang ubo at makating lalamunan ay madalas na dulot ng alinman sa mga sumusunod1:

  • Allergic rhinitis o hay fever
  • Common cold o flu
  • Asthma
  • Bronchitis
  • Acid reflux o gastroesophageal reflux disease (GERD)
  • Paninigarilyo
  • Polusyon
  • Infections kagaya ng strep throat at laryngitis
  • Postnasal drip

 

Mga Lunas-na Pwedeng Makatulong sa Makating Lalamunan

Home Remedy sa Makating Lalamunan at Ubo

Tingnan natin ang ilan sa mga home remedies sa makating lalamunan at ubo.

Home Remedy sa Makating Lalamunan at Ubo

1. Honey — Ang honey ay nagtataglay ng anti-inflammatory and antimicrobial properties2 na tumutulong bawasan ang throat irritation at pag-ubo. Pwede mo itong ihalo sa maligamgam na lemon water o kalamansi juice na tumutulong namang palakasin ang iyong immunity dahil sa taglay nitong Vitamin C.

Salabat o ginger tea

2. Salabat o ginger tea — Tulad ng honey, ang luya ay kilala rin sa taglay nitong  anti-inflammatory and antimicrobial properties3 na tumutulong  ibsan ang ubo at makating lalamunan. Nakita rin sa isang pag-aaral na posibleitong makatulong sa paglaban sa impeksyon sa pamamagitan ng pag-stimulate sa ating immune system.4

Saltwater gargle

3. Saltwater gargle — Ang pagmumumog ng maligamgam na tubig na may asin ay mabisa rin laban sa ubo at makating lalamunan.5 Tumutulong itong alisin ang excess fluids sa ating lalamunan at patayin ang mga mikrobyong posibleng nagiging sanhi ng pag-ubo at pangangati.

 

Ang honey ay posibleng magdulot ng infant botulism6 sa mga batang wala pang isang taong gulang. Huwag mag-atubiling kumonsulta sa iyong doctor para sa karagdagang impormasyon.

Gamot sa Makating Lalamunan at Dry Cough: Over-the-Counter Options

Nakita natin kung paano makakatulong ang mga home remedies sa makating lalamunan. Pero kung naghahanap ka ng mabilis at epektibong lunas sa makating lalamanan, may mga over-the-counter na gamot kagaya ng Dichlorobenzyl Alcohol + Amylmetacresol (Strepsils).

Ang Dichlorobenzyl Alcohol + Amylmetacresol (Strepsils) ay isang medicated lozenge na may  mga aktibong sangkap na tumutulong upang maibsan ang pananakit ng lalamunan sa loob lamang ng 60 segundo. Ito’y naglalaman ng dalawang antibacterial agent na pumapatay ng mga bacteria na nagdudulot ng makating lalamunan.

Bahagyang Kati ng Lalamunan (Mild Sore Throat)

Kung ang makating lalamunan naman ay bahagya lamang o mild, mayroon tayong walong Dichlorobenzyl Alcohol + Amylmetacresol (Strepsils) variants:

Mild Sore Throat

Ang mga lozenges na ito ay tumutulong ibsan ang mild sore throat sa pamamagitan ng:

  1. Pagpigil sa pagdami ng virus at bacteria9 na maaaring magpalala ng throat conditions
  2. Pag-stimulate ng saliva production na tumutulong ibsan ang dryness at irritation na kadalasang dulot ng sore throat
  3. Pagpapamanhid ng lalamunan na tumutulong bawasan ang pag-ubo at sakit na dulot ng sore throat

 

Matinding Kati ng Lalamunan (Sore Throat)

Kung sa halip na makati ay mahapdi ang iyong lalamunan, maaaring severe sore throat na ‘yan. Bukod sa Hexylresorcinol (Strepsils Max) at Flurbiprofen (Strepsils MaxPro) lozenges, maaaring mangailangan ka rin ng medical treatment, depende sa sanhi ng iyong kondisyon. Iminumungkahi ang pagkonsulta sa doktor.

Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang Sore Throat page.

Dry Cough

Para naman sa may dry cough o tuyong ubo, andiyan ang Dextromethorphan HBr (Strepsils Dry Cough) na clinically proven effective sa pagpigil sa pag-ubo.7

Ubong May Plema

Kapag mayroon kang ubong may plema, mabisang gamitin ang Ambroxol Hydrochloride (Strepsils Chesty Cough) na clinically proven effective laban sa sintomas ng chesty cough o ubong may plema.8

Kailan Dapat Magpatingin sa Doktor

Dapat ka nang magpatingin sa doktor para sa iyong ubo at makating lalamunan kapag:

  • Lumalala na ang iyong sintomas
  • Mahigit tatlong linggo na ang iyong ubo at makating lalamunan
  • Nakaranas ka na ng matinding sakit ng lalamunan
  • Nahihirapan ka nang lumunok
  • Nilalagnat ka na
  • Kinakapos ka na ng hininga
  • Nakararanas ka na ng wheezing or pagpito kapag humihinga
  • May kasama nang dugo o madilaw o berdeng plema ang iyong ubo
  • Nakaranas ka na ng biglaang pagbaba ng timbang

Kaya Mong Labanan ang Ubo at Makating Lalamunan

Gamit ang mga pinag-usapan nating home remedy at over-the-counter na gamot sa makating lalamunan at ubo, madali mong malalabanan ang mga sintomas na iyong nararamdaman. Tandaan lang na kapag nagpatuloy o lumala ang iyong kondisyon, mas mabuti pa ring agad na kumonsulta sa iyong doktor.

Kailangan mo ng  Dichlorobenzyl Alcohol + Amylmetacresol (Strepsils)? Shop now.

References:

  1. Causes of Itchy Throat and How to Treat It, available at https://www.verywellhealth.com/itchy-throat-allergies-5205072. Accessed on 29 November 2024.
  2. Honey for Your Sore Throat and Cough, available at https://health.clevelandclinic.org/honey-for-sore-throat-and-cough. Accessed on 29 November 2024.
  3. How Does Ginger Help a Sore Throat?, available at https://www.healthline.com/health/ginger-for-sore-throat#1. Accessed on 29 November 2024.
  4. Fresh ginger (Zingiber officinale) has anti-viral activity against human respiratory syncytial virus in human respiratory tract cell lines, available at https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/23123794/. Accessed on 29 November 2024.
  5. What Are the Benefits of a Salt Water Gargle?, available at https://www.healthline.com/health/salt-water-gargle. Accessed on 29 November 2024.
  6. When Your Baby Can Have Honey, available at https://health.clevelandclinic.org/when-is-it-safe-to-give-honey-to-my-baby. Accessed on 29 November 2024.
  7. Dextromethorphan, available at https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK538216/. Accessed on 29 November 2024.
  8. Ambroxol, available at https://go.drugbank.com/drugs/DB06742. Accessed on 29 November 2024.
  9. Spectrum of bactericidal action of amylmetacresol/2,4-dichlorobenzyl alcohol lozenges against oropharyngeal organisms implicated in pharyngitis, available at https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6276617/. Accessed on 29 November 2024.