Ang makating lalamunan ay maaaring dulot ng iba't ibang sanhi tulad ng allergens, impeksyon, at mga irritants sa kapaligiran, at ang mga trigger gaya ng polusyon, malamig na pagkain, at stress ay maaaring magpalala pa ng kondisyon. Uminom ng sapat na tubig, iwasan ang mga trigger, at gumamit ng lozenges o pastilles upang maibsan ang mga sintomas ng makating lalamunan.
Kung nakaranas ka na na magkaroon ng makating lalamunan o itchy throat, hindi ka nag-iisa. Marami ring nakakaranas nito. Maaaring ito'y isang simpleng iritasyon o bahagi ng isang mas malalang kondisyon. Maaaring ito ay sintomas ng ibang kondisyon gaya ng ubo, sipon, o allergy. Hindi komportable magkaroon ng makating lalamunan at hindi mo rin naman pwedeng kamutin para guminhawa. Kaya sa post na ito, alamin ang mga sanhi at tuklasin kung anong gamot sa makating lalamunan.
Ano ang Mga Dahilan ng Makating Lalamunan?
May iba't ibang sanhi kung bakit nagiging makati ang lalamunan. Narito ang ilan sa mga pinakamadalas na dahilan:
Allergy
Ang allergens tulad ng pollen, alikabok, at hayop ay maaaring magdulot ng allergic reaction, na nagiging sanhi ng pangangati sa lalamunan.1 Kapag ang katawan ay nag-react sa allergens, naglalabas ito ng histamine na nagdudulot ng iritasyon at pamumula.
Ang allergic rhinitis o hay fever ay isang uri ng allergic reaction. Kapag nakalanghap ka ng allergens sa pamamagitan ng iyong ilong o bibig, nagkakaroon ng reaction ang iyong katawan sa pamamagitan ng paglabas ng isang natural na kemikal na tinatawag na histamine.
Ayon sa 2008 National Nutrition and Health Survey, ang kabuuang paglaganap ng allergic rhinitis sa Pilipinas ay humigit-kumulang 20%.2
Infection sa Lalamunan
Ang makating lalamunan ay isa sa mga sintomas ng impeksyon gaya ng pharyngitis o tonsilitis.4,5 Maaaring dulot ito ng bacteria o virus, na karaniwang nagdudulot ng pamamaga at pangangati sa lalamunan. Dagdag dito, ang streptococcal infection ay isa sa mga pinaka-karaniwang bacterial infection na nagdudulot ng pangangati sa lalamunan. Ito ay sanhi ng humigit-kumulang 15-30% ng mga kaso ng sore throat sa mga bata at 5-10% sa mga matatanda.3
Dry Air
Kapag masyadong tuyo ang hangin, maaari rin nitong matuyo ang mucous membranes sa iyong lalamunan, at ito’y nagiging sanhi ng iritasyon at pakiramdam na parang may gasgas.1 Karaniwan itong nararanasan tuwing taglamig o sa mga lugar na may mababang humidity. Maaaring gumamit ng humidifier para makatulong tumaas ang humidity sa isang kwarto para maging moist ang hangin.
Paninigarilyo
Ang usok mula sa sigarilyo ay naglalaman ng maraming irritants na maaaring magpatuyo at magdulot ng pamamaga sa mucous membranes ng iyong lalamunan.1
Hindi lamang ito nagiging sanhi ng pagkakaroon ng makating lalamunan, maaari ring magdulot ang paninigarilyo ng mas malalang kondisyon sa baga o lalamunan sa kalaunan. Kahit hindi ikaw mismo ang naninigarilyo ay maaari pa ring magdulot masamang epekto ang sigarilyo6 kapag nakalanghap ka ng tinatawag na secondhand smoke.
GERD
Ang gastroesophageal reflux disease (GERD) ay maaari ring magdulot ng makating lalamunan.1 Nangyayari ang GERD kapag ang stomach acid ay madalas na umaakyat pabalik sa esophagus, na nagdudulot ng irritation sa lining nito. Ang acid reflux na ito ay maaaring umabot hanggang sa lalamunan, na nagiging sanhi ng pamamaga at iritasyon, na maaaring magresulta sa mga sintomas gaya ng makati o masakit na lalamunan.7
Ano ang Mga Trigger ng Pangangati sa Lalamunan?
Bukod sa mga nabanggit na sanhi, may mga bagay na maaaring magpalala sa makating lalamunan:
Polusyon sa Hangin
Ang mga kemikal at iba pang pollutants sa hangin ay maaaring mag-trigger ng iritasyon sa lalamunan. Halimbawa, kapag ikaw ay exposed sa matinding usok ng sasakyan o sigarilyo, maaari itong magdulot ng discomfort at kati sa lalamunan. Ayon sa Environmental Protection Agency (EPA), ang exposure sa mataas na level ng pollutants ay nagdudulot ng iritasyon sa lalamunan.8
Malamig na Inumin o Pagkain
Ang malamig na pagkain ay maaaring magdulot ng paninikip sa respiratory mucosa9, na isang protective layer na bumabalot sa lining ng respiratory system. Pag sumikip ito, maaaring magdulot ng iritasyon at pakiramdam ng pangangati sa lalamunan.
Matagal na Pagsasalita o Pag-awit
Ayon sa American Speech-Language-Hearing Association (ASHA), ang overuse ng boses ay maaaring magdulot ng iritasyon sa vocal cords at lalamunan dahil sa kondisyon na tinatawag na vocal fatigue o muscle tension dysphonia.10
Binibigyang-diin ng ASHA ang kahalagahan ng vocal hygiene upang maiwasan ang mga ganitong isyu. Kasama rito ang pananatiling hydrated, pag-iwas sa pagsigaw o pagsasalita nang malakas sa mahabang panahon, at pagkuha ng vocal breaks upang mapahinga ang boses.
Ano ang Dapat Gawin sa Makating Lalamunan?
May ilang mga makating lalamunan remedy na maaari mong subukan:
1. Uminom ng Mainit na Inuming May halong Honey
Ang pag-inom ng tubig o tsaa na may halong honey ay maaaring makatutulong na maibsan ang kati sa lalamunan.1
2. Panatilihin ang Hydration
Ang pag-inom ng sapat na tubig ay mahalaga upang maiwasan ang pagkatuyo ng lalamunan. Sa paraang ng pag-inom ng sapat na tubig ay maktutulong na panatilihing malinaw ang iyong mucus membranes, na pumipigil sa hindi komportableng pag-ipon ng mucus sa iyong lalamunan.
3. Iwasan ang Mga Trigger
Kung alam mo ang sanhi o trigger ng iyong makating lalamunan, gaya ng allergens, polusyon, o pag-iwas sa masyadong malalamig na pagkain o inumin, iwasan ito hangga't maaari. Sa ganitong paraan, mapipigilan ang paglala ng iritasyon.
4. Gumamit ng Humidifier
Kung ikaw ay nasa lugar na may tuyo o malamig na hangin, ang paggamit ng humidifier sa bahay ay makatutulong na panatilihing moist ang hangin, na nakatutulong din sa lalamunan. Sinasabi ng Cleveland Clinic na gumamit ng humidifier upang maiwasan ang pagkatuyo ng lalamunan.1
5. Dichlorobenzyl Alcohol + Amylmetacresol (Strepsils)
Ang mga lozenges tulad ng Dichlorobenzyl Alcohol + Amylmetacresol (Strepsils) ay mayroong mga active ingredients na tumutulong ibsan ang iritasyon sa lalamunan. Ang Dichlorobenzyl Alcohol + Amylmetacresol (Strepsils) ay mayroong antiseptic at anesthetic na mga ingredients (Dichlorobenzyl alcohol + Amylmetacresol) na tumutulong labanan ang impeksyon at nakakatulong magbibigay ng ginhawa sa pananakit ng lalamunan.
Iba’t Ibang Uri ng Dichlorobenzyl Alcohol + Amylmetacresol (Strepsils) Lozenges Mild
Severe
Bisitahin ang aming product page upang makita ang lahat ng mga produkto ng Strepsils. Ang mga Dichlorobenzyl Alcohol + Amylmetacresol (Strepsils) lozenges ay mabibili sa pinakamalapit na convenience store, drug store, o sa aming online stores sa Reckitt Health and Beauty on Lazada at Reckitt Health Official on Shopee. |
References:
- Cleveland Clinic. (February 23, 2024). Why your throat tickles — and how to stop it. Cleveland Clinic Health Essentials. Retrieved from https://health.clevelandclinic.org/how-to-get-rid-of-tickle-in-throat
- Abong, J. M., Kwong, S. L., Alava, H. D. A., Castor, M. A. R., & De Leon, J. C. (2012). Prevalence of allergic rhinitis in Filipino adults based on the National Nutrition and Health Survey 2008. Asia Pacific Allergy, 2(2), 129–135. https://doi.org/10.5415/apallergy.2012.2.2.129
- Acerra, J. R. (2024, August 9). Pharyngitis: Practice essentials, background, pathophysiology. Medscape. Retrieved from https://emedicine.medscape.com/article/764304-overview
- Fletcher, J. (2023, November 30). Everything you need to know about itchy throat. Medical News Today. Retrieved from https://www.medicalnewstoday.com/articles/317066
- Cleveland Clinic. (n.d.). Sore throat (pharyngitis): Causes & treatment. Cleveland Clinic. Retrieved February 4, 2025, from https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/8274-sore-throat-pharyngitis
- World Health Organization. (2023, July 31). Tobacco. World Health Organization. Retrieved from https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/tobacco
- Mayo Clinic. (n.d.). Gastroesophageal reflux disease (GERD) - Symptoms and causes. Mayo Clinic. Retrieved February 4, 2025, from https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gerd/symptoms-causes/syc-20361940
- U.S. Environmental Protection Agency. (n.d.). Indoor air quality. Report on the Environment. Retrieved February 4, 2025, from https://www.epa.gov/report-environment/indoor-air-quality
- Editorial Team. (2014, July 15). Why does drinking chilled beverages cause sore throat? TheHealthSite.com. Retrieved from https://www.thehealthsite.com/diseases-conditions/why-does-drinking-chilled-beverages-cause-sore-throat-165524/
- American Speech-Language-Hearing Association. (n.d.). Voice disorders. ASHA Practice Portal. Retrieved February 4, 2025, from https://www.asha.org/Practice-Portal/Clinical-Topics/Voice-Disorders/