Ang masakit na lalamunan ay karaniwang dulot ng impeksyon, allergies, tuyong hangin, paninigarilyo, o acid reflux. Para sa agarang lunas, maaaring subukan ang mga produktong tulad ng Dichlorobenzyl Alcohol + Amylmetacresol (Strepsils) lozenges, na may iba't ibang variant tulad ng Dichlorobenzyl Alcohol + Amylmetacresol (Strepsils Cool Sensation) para sa mild irritation, at Flurbiprofen (Strepsils Max Pro) para sa matinding pananakit at pamamaga. Maaari ring subukan ang mga home remedies tulad ng saltwater gargle, tamang hydration, at paggamit ng humidifier. Sa pag-iwas, mahalaga ang regular na paghuhugas ng kamay, pag-iwas sa paninigarilyo, at pagsusuot ng mask sa pampublikong lugar.

Sa panahon ng tag-lamig o kapag pabago-bago ang panahon, ang masakit na lalamunan o sore throat ay isa sa mga karaniwang sintomas na nararanasan ng maraming tao. Sa mga panahon na ito, mahalagang malaman kung ano’ng gamot sa masakit na lalamunan, iba't ibang sanhi ng pagkakasakit, paano ito maiwasan, at iba pang paraan kung paano mawala ang sakit sa lalamunan.

Mga Dahilan ng Pagsakit ng Lalamunan

1. Viral o Bacterial Infection

Ang pinakakaraniwang sanhi ng masakit na lalamunan ay impeksyon. Ang viral infection tulad ng sipon, flu, o COVID-19 ay maaaring magdulot ng iritasyon sa lalamunan. Sa kabilang banda, ang bacterial infection gaya ng strep throat1, na dulot ng Streptococcus bacteria, ay mas malala at nangangailangan ng agarang lunas.

2. Allergies

Ang allergies ay maaaring maging sanhi ng sore throat dahil sa post-nasal drip2 kung saan ang excess mucus sa ilong ay napupunta sa likod ng lalamunan, kung saan nagkakaroon ng irritation. Pollen, alikabok, balahibo, o himulmul ay ilan sa mga halimbawa ng nagdudulot ng allergy.

3. Tuyong Hangin

Ang tuyong hangin o dry air ay maaaring magdulot ng masakit na lalamunan sa pamamagitan ng pag-irita sa mga mucous membrane sa iyong lalamunan3. Kapag tuyo ang hangin, maaari nitong alisin ang moisture mula sa mga membrane na ito, na nagdudulot ng pagkatuyo at irritation. Dahil dito, nagiging magaspang at masakit ang pakiramdam ng iyong lalamunan.

4. Paninigarilyo at Polusyon

Ang usok mula sa sigarilyo at polusyon sa hangin ay pwedeng makairita sa lalamunan, na maaaring magdulot ng masakit na lalamunan. Nadadamay din ang mga tinatawag na secondhand smoker, o yung hindi mismong naninigarilyo ngunit nakakalanghap ng usok ng ibang naninigarilyo. Dagdag dito, ang sobrang paggamit ng tobacco ay nagpapataas ng panganib na magkaroon ng oral cancer o kanser sa lalamunan at voice box4.

5. Acid Reflux

Isa sa sanhi ng pagdanas ng pagkapaos ng boses ay ang acid reflux5. Kapag ang acid reflux ay nakalagpas sa upper esophageal sphincter at pumasok sa lalamunan, dito nagdudulot ng pagkapaos at masakit na lalamunan.

Dichlorobenzyl Alcohol + Amylmetacresol (Strepsils) Para sa Masakit na Lalamunan

Para sa mabilisang lunas, maaaring makabili ng over-the-counter na mga gamot sa masakit na lalamunan. Isa na rito ang Dichlorobenzyl Alcohol + Amylmetacresol (Strepsils).

Ang Dichlorobenzyl Alcohol + Amylmetacresol (Strepsils) ay may iba’t ibang variants na napatunayang epektibo sa pagpapaginhawa at paggamot ng mga sintomas ng masakit na lalamunan.

Mula sa unang senyales ng pananakit o pangangati, nagbibigay ang Dichlorobenzyl Alcohol + Amylmetacresol (Strepsils) ng antiseptic action upang labanan ang mga virus at bacteria upang magkaroon ng mabilis na ginhawa at pinipigilan nito ang paglala ng sakit ng lalamunan.

Mabibili ang Dichlorobenzyl Alcohol + Amylmetacresol (Strepsils) sa pinakamalapit na botika, o maaari ring bilhin online sa Reckitt Health Official Shop sa Shopee at sa Reckitt Health and Beauty sa Lazada.

Mild at Makating Lalamunan

Mild at Makating Lalamunan

Para sa mild at makating lalamunan, maaari mong subukan ang Dichlorobenzyl Alcohol + Amylmetacresol (Strepsils) lozenges,   isang nakakapagbigay-ginhawang opsyon sa mga lozenges para sa sakit ng lalamunan.

Matinding Pananakit at Pamamaga

Matinding Pananakit at Pamamaga

Para naman sa mga nakararanas ng matinding pananakit at pamamaga ng lalamunan, mas angkop ang Flurbiprofen (Strepsils MaxPro) lozenges. Ang variant na ito ay may anti-inflammatory properties, nagbibigay ng ginhawa mula sa sakit, at nakakatulong bawasan ang pamamaga. Para sa bisang tumatagal nang hanggang 6 na oras, ang Flurbiprofen (Strepsils MaxPro) ay isa sa mga maaring pagpiliang lunas para sa pagbuti ng iyong masakit na lalamunan.. Ang variant na ito ay may anti-inflammatory properties, nagbibigay ng ginhawa mula sa sakit, at nagpapababa ng pamamaga.

Home Remedies sa Masakit na Lalamunan

Bukod sa Dichlorobenzyl Alcohol + Amylmetacresol (Strepsils), meron ding mga home remedies na pwedeng gawin upang makatulong sa paglunas sa sakit ng lalamunan.

1. Saltwater Gargle

Kapag nagmumog ka ng tubig na may asin, hinihigop ng hypertonic na solusyon ang mga liquid mula sa namamagang mga laman sa lalamunan, at dahil dito ay nababawasan ang pamamaga at masamang pakiramdam. Bukod dito, ang asin ay maaaring makatulong sa pagpatay ng bacteria o virus sa lalamunan at bibig6, kaya nakakatulong itong iwasan ang paglala ng impeksyon.

2. Hydration

Kapag may sapat tayong tubig sa katawan, nakakagawa ang katawan natin ng sapat na laway at mucus upang panatilihing natural na basa ang lalamunan. Nakakatulong ito upang maibsan ang iritasyon at pamamaga. Sa kabilang banda, ang dehydration o kakulangan ng tubig sa katawan ay maaaring magdulot ng mas tuyo at magaspang na pakiramdam sa iyong lalamunan, na nagpapalala sa masamang pakiramdam.

3. Humidifier

Kapag barado ang ilong natin, may tendency tayong huminga gamit ang bibig. Kapag humihinga gamit ang bibig, mas natutuyo ang ating lalamunan, at maaaring mapalala ang sakit. Sa pagdagdag ng moisture sa hangin at sa ating lalamunan gamit ang isang humidifier, makakatulong ito upang mabawasan ang sakit sa lalamunan.

Paano Maiiwasan ang Masakit na Lalamunan

“Prevention is better than cure,” ika nga nila. Narito ang ilang mga hakbang na makakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng masakit na lalamunan:

1. Panatilihing Malinis ang mga Kamay

Ang tamang hygiene, tulad ng madalas na paghuhugas ng kamay7, ay isa sa pinakamabisang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng virus at bacteria na sanhi ng masakit na lalamunan.

2. Iwasan ang Paninigarilyo

Ang paninigarilyo ay maaaring magdulot ng iritasyon at iba pang mas malalang kondisyon tulad ng oral cancer at lung cancer. Ang pag-iwas dito ay makakapagpababa ng risk na magkaroon ng sore throat.

3. Gumamit ng Mask sa Mga Pampublikong Lugar

Ang pagsusuot ng face mask ay isa sa mga effective na paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga airborne na sakit tulad ng flu o sipon, na maaaring magdulot ng masakit na lalamunan. Ngunit kailangan din nating alamin ang iba’t-ibang side effects ng pagsuot ng mask nang matagalan.

4. Iwasan ang mga Pagkain na Pwedeng Mag Trigger ng Sore Throat

Bukod sa pag-iwas sa mga maaanghang or o maaasim na pagkain, importante ring alamin ang iba’t-iba pang pagkain na dapat iwasan. Iwasan ang mga red meat, dairy products (cheese, sour cream), at mga prito o mamantikang pagkain.

5. Madalas na pag-inom ng Tubig

Ang madalas na pag-inom ng tubig ay isa ring paraan para gumaan ang pakiramdam habang ikaw ay dumaranas ng pagsakit ng lalamunan. Ang pag-inom ng maligamgam na tubig ay nakakapagpagaan ng pakiramdam sa pamamagitan ng pagpapanatiling basa ng ating lalamunan.

References:

  1. Cleveland Clinic. (n.d.). Can allergies cause a sore throat? Cleveland Clinic. Retrieved from https://health.clevelandclinic.org/allergies-cause-sore-throat
  2. Hopkins Medicine. (n.d.). Oral cancer and tobacco. Johns Hopkins Medicine. Retrieved from https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/oral-cancer-and-tobacco
  3. KidsHealth. (n.d.). Hand washing: Why it’s so important. KidsHealth. Retrieved from https://kidshealth.org/en/parents/hand-washing.html
  4. Mayo Clinic. (2023). Strep throat: Symptoms & causes. Mayo Clinic. Retrieved from https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/strep-throat/symptoms-causes/syc-20350338
  5. Medical News Today. (2023). What to know about salt water gargles. Medical News Today. Retrieved from https://www.medicalnewstoday.com/articles/315066#_noHeaderPrefixedContent
  6. Nao Medical. (n.d.). Dry air and sore throat: Causes and remedies in NYC. Nao Medical. Retrieved from https://naomedical.com/blog/dry-air-sore-throat-causes-remedies-nyc/
  7. Pierce, R. (2022). How salt water gargles can help relieve a sore throat. Healthline. Retrieved from https://www.healthline.com/health/salt-water-gargle