Mga Mabisang Gamot sa Ubo at Makating Lalamunan
Gamit ang tamang home remedies at over-the-counter na gamot sa makating lalamunan at ubo, kayang-kaya mong labanan ang mga sintomas na nararamdaman. Siguruhin lang na magpatingin agad sa doktor kapag nagpatuloy o lumala ang iyong kondisyon.
Pagdating sa ubo at makating lalamunan, mahalagang alamin ang sanhi ng kondisyon para matukoy ang gamot na dapat mong inumin. Gayunpaman, may mga over-the-counter na gamot at home remedies na maaari mong inumin upang mabilis na maibsan ang mga sintomas na iyong nararamdaman.
Mga Sintomas at Sanhi ng Ubo at Makating Lalamunan
Bago natin pag-usapan ang mga home remedies at gamot sa makating lalamunan at ubo, tignan muna natin ang mga sanhi at sintomas ng mga ito:
Ang mga sintomas na dapat nating bantayan ay1:
- Tuluy-tuloy na dry cough o ubong may plema
- Tuluy-tuloy na pangangati ng lalamunan na nagiging sanhi ng pag-ubo
- Wheezing o pagpito kapag humihinga
Ang ubo at makating lalamunan ay madalas na dulot ng alinman sa mga sumusunod1:
- Allergic rhinitis o hay fever
- Common cold o flu
- Asthma
- Bronchitis
- Acid reflux o gastroesophageal reflux disease (GERD)
- Paninigarilyo
- Polusyon
- Infections kagaya ng strep throat at laryngitis
- Postnasal drip
Mga Lunasna Pwedeng Makatulong sa Makating Lalamunan
Home Remedy sa Makating Lalamunan at Ubo
Tingnan natin ang ilan sa mga home remedies sa makating lalamunan at ubo.
1. Honey — Ang honey ay nagtataglay ng anti-inflammatory and antimicrobial properties2 na tumutulong bawasan ang throat irritation at pag-ubo. Pwede mo itong ihalo sa maligamgam na lemon water o kalamansi juice na tumutulong namang palakasin ang iyong immunity dahil sa taglay nitong Vitamin C.
2. Salabat o ginger tea — Tulad ng honey, ang luya ay kilala rin sa taglay nitong anti-inflammatory and antimicrobial properties3 na tumutulong ibsan ang ubo at makating lalamunan. Nakita rin sa isang pag-aaral na posibleitong makatulong sa paglaban sa impeksyon sa pamamagitan ng pag-stimulate sa ating immune system.4
3. Saltwater gargle
