Mahalagang alamin kung anong uri ng ubo ang iyong nararanasan dahil magkaiba ang mga treatment sa may plema na ubo at dry cough. Kumonsulta sa iyong doktor para sa karagdagang kaalaman.
Mapa-dry cough o ubong may plema man ang iyong nararanasan, malaking-abala ito sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Mabuti na lang at may home remedies kang pwedeng subukan at gamot para sa ubo na pwedeng inumin para sa agarang ginhawa.
Ating alamin ang mga sanhi at sintomas ng dry cough at ubong may plema upang malaman kung anong lunas ang iyong kailangan.
Sintomas at Sanhi ng Dry Cough
Ang pangunahing sintomas ng dry cough ay ang pangangati ng lalamunan na nagiging sanhi ng madalas na pag-ubo, lalo na sa gabi. Ito ay maaaring magtagal ng hanggang ilang linggo.
Ang dry cough ay madalas na dulot ng mga sumusunod1:
- Viral infections tulad ng sipon at flu
- Allergens tulad ng alikabok, pollen, at pet dander
- Asthma na maaaring magdulot ng persistent na pag-ubo
- Acid reflux o GERD kung saan umaangat pabalik sa esophagus at lalamunan ang acid sa tiyan na nagiging sanhi ng throat irritation at pag-ubo
- Irritants tulad ng usok, polusyon, at matatapang na amoy
Mga Gamot sa Dry Cough
Ang mga pangunahing gamot sa dry cough ay:
- Cough suppressants tulad ng dextromethorphan na tumutulong pigilan ang pag-ubo
- Antihistamines tulad ng loratadine at diphenhydramine kung allergic reaction ang sanhi ng dry cough
- Decongestants kung postnasal drip ang sanhi ng dry cough
- Lozenges tulad ng extromethorphan HBr (Strepsils) Dry Cough, na clinically proven effective sa pagpigil sa pag-ubo2
Kailangan ng Dextromethorphan HBr (Strepsils) Dry Cough? Shop now. |
Bukod sa mga gamot, ugaliin ding:
- Manatiling hydrated — Bukod sa tubig, pwede ring uminom ng maligamgam na mga inumin tulad ng salabat, na kilala sa kanyang antitussive or cough suppressing properties3, at honey na nakakatulong magpagaan ng pakiramdam kung mayroong ubo4
- Iwasan ang dry cough triggers — Panatilihing malinis ang bahay at bawasan ang exposure sa mga trigger tulad ng alikabok, usok, pollen, at pet dander
- Panatilihing malusog ang katawan — Makatutulong itong palakasin ang iyong resistensiya laban sa mga impeksyon at sakit na maaaring magdulot ng dry cough
Iwasang magpainom ng honey sa mga bata under one year old upang maiwasan ang delikadong kondisyong tinatawag na infant botulism5. |
Makatutulong din ang pag-iwas sa triggers at paggamot sa kondisyong nagdudulot ng iyong dry cough.
Sintomas at Sanhi ng Ubong May Plema o Chesty Cough
Ang pangunahing sintomas ng chesty cough ay ang ubo na may kasamang plema na maaaring maging clear, puti, dilaw, o luntian depende sa sanhi ng kondisyon.
Ang mga pangunahing sanhi ng chesty cough ay:
- Pneumonia7
- Chronic obstructive pulmonary disease7
- Paninigarilyo7
- Asthma7
- Bronchitis7
- The common cold7
- Flu7
Gamot Para sa Ubo na May Plema
Ang pangunahing gamot sa ubong may plema ay mga produktong tulad ng Ambroxol Hydrochloride (Strepsils) Chesty Cough lozenges na clinically proven effective sa paglaban sa chesty cough symptoms5. Tumutulong itong padaliin ang pag-expel ng plema para mapabilis ang iyong paggaling.
Maaari mo rin itong sabayang ng mga sumusunod na tips8:
- Pananatiling hydrated para panatilihing malabnaw at hindi madikit ang plema
- Pagligo ng mainit na tubig
- Pagmumog ng tubig na may asin
Tulad ng paggamot sa dry cough, makatutulong din ang proper treatment at management ng kondisyon na nagdudulot ng iyong chesty cough.
Kailan Dapat Magpatingin sa Doktor
Kung ay iyong dry o chesty cough ay nagpapatuloy o patuloy na lumalala sa kabila ng mga gamot at treatments na ating pinag-usapan—o sinabayan na ng mga mas malalang sintomas tulad ng lagnat at mahirap na paghinga—kumonsulta agad sa iyong doktor.
Nakararanas ng sore throat dahil sa tuloy-tuloy na pag-ubo? May Dichlorobenzyl Alcohol + Amylmetacresol (Strepsils) lozenges din para diyan. |
The Bottom Line: Mahalagang Alamin ang Uri ng Ubo na Iyong Nararanasan
Dahil magkaiba ang mga maaring treatment at para sa ubo na may plema at dry cough, mahalagang alamin kung alin sa dalawa ang ubo na iyong nararanasan. Kumonsulta sa iyong doktor para sa karagdagang kaalaman.
References:
- Cough, available at https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK493221/. Accessed on 25 October 2024.
- Dextromethorphan, available at https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK538216/. Accessed on 16 October 2024.
- Effects of Ginger and Its Constituents on Airway Smooth Muscle Relaxation and Calcium Regulation, available at https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3604064/. Accessed on 16 October 2024.
- Mayo Clinic Minute: Can honey help with coughs?, available at https://newsnetwork.mayoclinic.org/discussion/mayo-clinic-minute-can-honey-help-with-coughs/. Accessed on 16 October 2024.
- Infant botulism following honey ingestion, available at https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3448763/. Accessed on 16 October 2024.
- Ambroxol, available at https://go.drugbank.com/drugs/DB06742. Accessed on 16 October 2024.
- https://www.healthdirect.gov.au/cough Accessed 15 April 2025
- Liao, S., & Gatta, F. (2024, December 22). Cough relief: How to get rid of a bad cough. WebMD. https://www.webmd.com/cold-and-flu/cough-get-rid-home-hacks