Ang ubo ay maaaring magdulot ng discomfort, pero may mga mabisang gamot at home remedies upang malunasan ito. Sa pamamagitan ng tamang pangangalaga sa kalusugan, mga natural na solusyon, at pag-iwas sa mga irritants, maaari mong bawasan ang tiyansa ng pagkakaroon ng ubo.
Mahirap talaga kapag may ubo. Nakakaabala sa pang-araw-araw na gawain at hindi maganda sa pakiramdam.
Ang ubo ay isa sa mga pinakakaraniwang sintomas na nararanasan ng maraming tao, lalo na kapag panahon ng sipon, trangkaso, o iba pang sakit sa respiratory system. Sa isang pag-aaral tungkol sa pediatric primary cases sa mga rural areas, ang ubo ay ang nangungunang sakit na bumubuo ng 45.9% na kaso1.
Ibinahagi rin ng Department of Health (DOH) ang 866 cases ng pertussis2 noong March 2024 na may malaking bilang na galing sa MIMAROPA, Metro Manila, at Central Luzon.
Sa post na ito, aalamin natin ang iba't ibang sintomas ng ubo, mga gamot sa ubo, at mga pwedeng gawin na makatutulong upang maiwasan ito o kung paano mawala ang ubo.
Ano ang Mga Uri o Sintomas ng Ubo?
Ang ubo ay isang natural na reaksyon ng katawan upang alisin ang mga irritants sa respiratory tract, tulad ng alikabok, mikrobyo, o mucus. Gayunpaman, may iba't ibang uri ng ubo na maaaring magpahiwatig ng iba’t ibang kondisyon:
Tuyong Ubo (Dry Cough)
Ang tuyong ubo ay walang kasamang plema at karaniwang dulot ng irritants o allergens. Maaari itong maranasan ng mga may sipon o ng mga nakakaranas ng allergy. Maaari ring magsimula ito sa viral infection o respiratory illness tulad ng upper respiratory infections3.
Ubong May Plema (Wet Cough)
Ang ubong may kasamang plema ay kadalasang dulot ng impeksyon tulad ng bronchitis o pneumonia4,5. Ang plema ay maaaring dilaw, berde, o malinaw, depende sa uri ng impeksyon. Ayon sa mga eksperto, ang plema ay ang first line of defense at senyales ng immune response ng katawan.
Pangmatagalang Ubo
Kapag ang ubo ay tumatagal ng higit sa tatlong linggo, maaaring ito ay chronic at indikasyon ng mas malubhang kondisyon gaya ng asthma, GERD (Gastroesophageal Reflux Disease), o chronic obstructive pulmonary disease (COPD). Ang chronic cough ay minsang kaugnay ng mga respiratory at digestive conditions6, pero ito ay karaniwang nawawala kapag nalunasan na ang ugat ng mga nito.
Ang madalas na pag-ubo ay maaaring magdulot ng sore throat dahil sa iritasyon at pagkatuyo ng sensitibong mga tissue sa lalamunan, na nagiging sanhi ng pamamaga at discomfort. Ang tuloy-tuloy na pag-ubo ay maaari ring magdulot ng muscle strain sa lalamunan, na nagdudulot ng sakit at sore throat. Makakatulong ang sapat na pag-inom ng tubig upang mabawasan ang mga epekto nito. |
Paano Mawala ang Ubo? Mga Lunas at Home Remedies
Kapag nararanasan ang ubo, mahalagang alamin ang tamang gamot o lunas upang mapawi ang sintomas at maiwasan ang paglala ng kondisyon. Narito ang ilan sa mga karaniwang paraan o home remedy para sa ubo:
Over-the-counter na gamot sa ubo
Mayroong iba't ibang gamot na maaaring mabili para sa ubo na hindi kailangan ng reseta. Ang mga cough suppressants tulad ng dextromethorphan hydrobromide ay makakatulong sa tuyong ubo, habang ang expectorants naman ay tumutulong na palabasin ang plema sa basang ubo. Ang Dextromethorphan HBr (Strepsils Dry Cough) ay ay isang antitussive lozenge na nagbibigay ng epektibong ginhawa mula sa tuyong ubo. Ito ay isang cough suppressant na tumutulong mabawasan ang urge na umubo.
Rehydration
Ang pag-inom ng sapat na tubig ay makakatulong upang mapalambot ang plema, na siyang nagpapadaling ibuga at ilabas ito. Nakakatulong din ang tubig sa pag-hydrate ng katawan para sa maagap na paggaling7.
Salabat o honey
Ang mga home remedy para sa ubo gaya ng salabat (ginger tea) o pag-inom ng honey ay natural na lunas na nakakabawas ng pamamaga ng lalamunan at nakapagpapakalma ng ubo. Ayon kay Dr. Angela Mattke, ang honey ay karaniwang ligtas ngunit dapat iwasan ang pagbibigay ng honey, kahit kaunti, sa mga sanggol na wala pang isang taong gulang8 dahil maaring magbigay ng kondisyon na tinatawag na infant botulism.
Steam inhalation
Para sa mga taong nakakaranas ng ubong may plema, ang steam inhalation o “suob” ay isa sa mga malimit na sinusubukang lunas ng mga tao upang makakuha ng ginhawa. Bagamat may mga pag-aaral na sumusuporta dito, mayroon ding taliwas ang resulta9. Iminumungkahing kausapin niyo ang inyong doktor ukol dito.
Babala!
Kapag gumagamit ng steam inhalation bilang home remedy, unahin natin ang kaligtasan, lalo na ng mga bata. Laging bantayan ng mabuti ang mga bata habang gumagamit ng steam inhalation upang maiwasan ang aksidenteng pagkapaso. Gumamit ng maligamgam na tubig imbes na kumukulong tubig, at siguraduhing nasa ligtas na distansya ang pinagmumulan ng singaw upang hindi direktang dumikit sa balat.
Sapat na pahinga
Ang sapat na pahinga ay maari ring makatulong sa paggaling ng ubo. Kailangan ng katawan natin ng oras para maghilom, kaya ang sapat na tulog at pahinga ay mahalaga upang mapabilis ang paggaling mula sa ubo.
Paano Maiiwasan ang Ubo?
Huwag na nating hintaying dumating ang ubo bago tayo gumawa ng mga hakbang. Ito ang mga paraan upang maiwasang magkarooon ng ubo:
Maghugas ng kamay
Makatutulong ang madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig upang maiwasan ang pagkalat ng mga virus at bacteria na nagdudulot ng ubo at sipon. Dagdag pa rito, ang paghuhugas ng kamay ay isinusulong ng DepEd, DOH, UNICEF, WHO, at Lungsod ng Marikina bilang paraan upang mabawasan ng hanggang 20% ang mga respiratory infection10.
Iwasan ang mga irritants
Ang mga usok mula sa sigarilyo, polusyon, at malalakas na pabango ay maaaring magdulot ng irritation sa lalamunan at baga na maaaring magdulot ng ubo. Ang mga taong matagal nang nakakaranas ng polusyon sa hangin ay mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng cancer sa baga, ayon sa isang eksperto mula sa Philippine College of Chest Physicians11.
Panatilihing malinis ang kapaligiran
Ang mga allergens gaya ng alikabok at amag ay maaaring magdulot ng allergic reactions na magreresulta sa ubo. Tiyaking laging malinis ang bahay at iwasan ang mga lugar na puno ng alikabok.
Ugaliing uminom ng Vitamin C
Ang Vitamin C ay tumutulong sa pagpapalakas ng immune system upang labanan ang mga virus at bacteria na sanhi ng ubo12. Mainam na isama ito sa pang-araw-araw na diet tulad ng pagkain ng citrus fruits, strawberries, broccoli, kamatis, at patatas.
Panatilihing mainit ang katawan
Kapag malamig ang panahon, siguraduhing nakasuot ng angkop na pananamit upang hindi lamigin. Ang pag-inom ng mainit na inumin gaya ng sabaw at tsaa ay makatutulong din upang panatilihing mainit ang katawan.
Strepsils: Dry at Chesty Cough Lozenges Para Sa Ubo
Kapag sinabing Strepsils, maaaring sore throat ang una mong naiisip, pero mayroon din silang lozenges para sa ubo.
Ang Dextromethorphan HBr (Strepsils Dry Cough) ay may mga active ingredients tulad ng dextromethorphan hydrobromide para sa tuyong ubo.
Kung may plema naman, ang Ambroxol Hydrochloride (Strepsils Chesty Cough) na may ambroxol hydrochloride ang makakatulong. Parehong nagbibigay ginhawa sa pangangati ng lalamunan at tumutulong upang mapagaan ang pakiramdam mo mula sa ubo..
Anumang oras o lugar, madaling gamitin ang Strepsils para mapawi ang sintomas ng sore throat at ubo. Bisitahin ang aming Sore Throat page para sa karagdagang impormasyon.
Ang Dichlorobenzyl Alcohol + Amylmetacresol (Strepsils) ay nabibili sa inyong mga suking drugstore at online platforms tulad ng Reckitt Health Official Shop sa Shopee at sa Reckitt Health and Beauty sa Lazada.
References:
- Philippine News Agency. (2023, January 5). DOH sees more hospital admissions due to respiratory diseases. Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/articles/1221911
- Davis, C. P. (2019, February 12). What is a cough? Causes, symptoms, and treatment. Medical News Today. https://www.medicalnewstoday.com/articles/324912#common-causes
- Mayo Clinic Staff. (2023, April 7). Bronchitis: Symptoms and causes. Mayo Clinic. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/bronchitis/symptoms-causes/syc-20355566
- Mayo Clinic Staff. (2023, April 7). Pneumonia: Symptoms and causes. Mayo Clinic. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/pneumonia/symptoms-causes/syc-20354204
- Ornes, S. (2019, March 21). Explainer: Benefits of phlegm, mucus, and snot. Science News Explores. https://www.snexplores.org/article/explainer-benefits-phlegm-mucus-and-snot
- Mayo Clinic Staff. (2023, April 7). Chronic cough: Symptoms and causes. Mayo Clinic. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/chronic-cough/symptoms-causes/syc-20351575
- Davidsen, E. S., Solheim, A. M., & Birkeland, K. I. (2003). Mucus and respiratory health. Journal of General Practice. https://pmc.ncbi.nlm.nih.gov/articles/PMC351843/
- Mayo Clinic News Network. (2019, January 4). Mayo Clinic Minute: Can honey help with coughs? Mayo Clinic. https://newsnetwork.mayoclinic.org/discussion/mayo-clinic-minute-can-honey-help-with-coughs/
- Bleyer, J. (2021, October 5). Does steam inhalation help cold and sinus symptoms? Verywell Health. https://www.verywellhealth.com/steam-inhalation-for-cold-and-sinus-5213591
- UNICEF Philippines. (2019, October 15). DepEd, DOH, UNICEF, WHO, and Marikina City promote handwashing to create safe schools. UNICEF Philippines. https://www.unicef.org/philippines/press-releases/deped-doh-unicef-who-and-marikina-city-promote-handwashing-create-safe-schools-and
- GMA News Online. (2023, November 2). Air pollution may increase lung cancer risk, says pulmonologist. GMA News. https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/888343/air-pollution-may-increase-lung-cancer-risk-says-pulmonologist/story/
- Koskela, H. O. (2018). The role of mucus in respiratory infections. Respiratory Medicine Journal. https://pmc.ncbi.nlm.nih.gov/articles/PMC6124957/